Unan

Saksi ang aking unan

Sa sakit na napagdaanan

Ito ang aking karamay

Sa panahong gusto ko ng mamatay

Ngunit heto na naman ako

Umiiyak at nabibiyak ang puso

Nabasa na naman ang unan ko

Na pinilit kong matuyo

Sa loob ng maraming taon

Iiyak nalang ba ako palagi

Kasama ang unan sa aking tabi?

Kailan ba ako sasaya

Upang madama naman ang tunay na ligaya?

Ayoko ng masaktan

Kaya itatapon ko na itong unan

Na saksi sa lahat ng kasakitan

Itatapon ko na

Ang masakit na karanasan

Itatapon ko na

Ang masalimuot na nakaraan

Gusto ko ng mabuhay ng payapa

Walang sakit na nadarama

At sana sa aking bagong kabanata

May bagong kinabukasan namang makita

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s