Kawalan Ng Gana

Ang pag-aaral ay isang oportunidad na hindi dapat balewalain ng isang tao. Ako ay isa sa mga matatawag na “swerte” – ng mga bata sa Pilipinas dahil nakakakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw, nakakapaglaro, at nakakapag-aral. Ngunit bakit tila nawawalan na ako ng gana?

Lubha kong inaasam na makapagtapos sa pag-aaral upang mapasaya man lang ang aking pamilya. Simple lang naman ang gusto ko, gusto kong makita man lang ng aking mga guro ang mga paghihirap ko. Hindi ko inaasam ang mataas na posisyon sa klase, ang gusto ko lang ay makita nila ako.

Ngunit bakit hindi naibigay sa akin ang sapat na pagtingin? Ito na ba ang sinasabi nila na pinipili lang nila ang bibigyan ng magandang marka?

Nasaktan ako. Kinalimutan ko na ang nangyari noong sa ika-6 na baitang ko ngunit dahil sa nangyari ngayon ay tila bumabalik lahat. Madalas lang mangyari sa akin na ibigay lahat ng makakaya ko kaya parang may bato sa dibdib ko sa panahon iyon dahil para akong nadaya, na para bang ipinagkait sa akin ang pagkaing binili ko.

Dahil ba isang normal lang ako na estudyante ay ganoon na lang ang gagawin? Ang ginawa sa akin noon ay karapat-dapat na ireklamo ngunit hindi ko ginawa dahil binalewala ko nalang na gumradweyt akong hindi “honor” kahit na inanunsiyo nila ang marka ko na karapat-dapat na mapabilang sa kanila. Hindi ko na inisip iyon. Tinanggal sa aking isip dahil aanhin ko naman ang mataas na posisyon kung wala akong natutunan.

Iyon ang pinanghahawakan ko ng lakas sa tatlong taon ko sa hayskul. Naisip ko na bakit ko pa sasarilihin ang aking mga sagot kung pwede ko namang itulong sa may gusto? Iyon ang mga pangyayari bago dumating ang unang markahan sa ika-9 na baitang ko, ngayon.

Nag-iba ang first honor namin na minsan lang mangyari sa loob ng maraming taon. Nagreklamo ang ina ng dati naming first honor dahil hindi niya matanggap na nausungan ang anak niya. Oh kay bilis gumawa ng aksiyon ng mga guro namin! Para silang nawindang, nataranta at tulad ng inaasahan namin, kami ang napagbuntungan.

Tila ba hindi sila naniwala na ganoon ang ranking namin. Sa buong araw noong Lunes ay naranasan namin ang akusa sa kanilang mga mata. Parang pinaparating nila na nagkokopyahan kami kaya nalamangan ang first at nakuha namin ng mga barkada ko ang posisyon na iyon.

Ngayon pinaghihigpitan na nila kami, no erasures policy, palagi kaming pinagsasabihan bago mag-quiz atbp. Imbes na maging masaya ako sa naabot ko ay parang gusto ko nalang na sabihin sa kanila na bawiin ang ikatatlong posisyon na naibigay sa akin. Naisip ko na ano pa ang halaga na makamit ito kung puro pagdududa lang naman ang laman sa isip nila.

Nasaan na ba ang mga katangian na nakasulat sa dingding ng aming silid-aralan? Bakit hindi namin naramdaman ang pantay-pantay na pinagsasabi nila? Pantay-pantay ba ang pagngiwi sa kamalian namin at pagngiti o paghalakhak lang sa kamalian ng anak ng aming prinsipal? Matapat ba na mas malaki ang grado niya dahil siya ang first honor kahit na may iba pa na mas magaling sa kanya sa panahon na iyon?

Wala ba kaming karapatan na marating ito? Dapat ba ay siya nalang palagi ang nasa itaas? Minsan sa buhay ay kailangan din naman natin makaranas ng pagka baba upang mas maging masarap ang tagumpay kapag makukuha natin. Ngunit sa iba ay parang mamamatay na sila kung makakaranas ng pagkabagsak. Parang nalimutan na nila ang bumangon at tumayo mag-isa dahil kinailangan pa nila na humawak sa kamay ng iba upang maiangat sila.

Ang laki nga talaga ng epekto ng guro sa isang estudyante. Maaring maging insperasyon ito o maging isang diskriminasyon. Sana ay matigil na ang ganitong pag-uugali ng iba sa aming paaralan na pinipili lang nila ang binibigyan nila ng importansiya. Sana ay hindi maging basehan kung malaki na ang donasyon niya sa paaralan o sikat ba ang pamilya nila upang rumespeto dahil kaming lahat ay nagbibigay kontribusyon din sa paaralan, hindi lamang sa pagbibigay ng pera kundi sa pagpili na diyan kami mag-aaral.

Nagmamakaawa ako, sana ay mawala na ang kawalan ko ng gana sa pag-aaral. Sana ay bumalik ang kagalakan ko sa pag-aaral dahil hindi na tama ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ay masaya kang nag-aaral ngunit baligtad ang nararamdaman ko ngayon. Ano ba ang kailangan kong gawin upang bumalik na ito sa dati?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s